Anti-Drunk and Drugged Driving Act

Maraming mga drayber, nakapatay, naka-aksidente pero hindi makasuhan ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act o R.A. 10586. Ano ba ang step by step na proseso para hulihin at kasuhan ang drayber sa ilalim ng R.A. 10586? Maraming katanungan na ating sasagutin at gagawing simple para sa lahat. Sa lahat ng imbestigador, pulis at drayber, basahin at alamin ang batas.

Tanong: Marami na ring drayber ang nahuling lasing na nagmamaneho. Bakit hindi maimplementa ng pulis ang R.A. 10586 na nagbibigay ng matinding kaparusahan sa drayber, maliban sa mababang kaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code ?

Sagot: Dahil walang Alcoholic Breath Analyzer (ABA) ang ating LTO-deputized kapulisan na binili ng LTO o gobyerno. Sa ilalim ng IRR ng RA 10586, apat na buwan matapos na mag-take effect ang batas, ang LTO at PNP ay bibili ng mga kagamitan para maipatupad ang batas. Walang ABA, walang siyentipiko at legal na basehan ang pulis para masabing lasing ang drayber para makasuhan sa ilalim ng RA 10586 na may mabigat na kaparusahan sa drayber. Kahit na naglulupasay pa ang drayber sa kalasingan, kailangan sumailalim siya sa ABA.

Tanong: Paano ba masasabing lasing ang drayber?

Sagot: Sa nagmamaneho ng:

1. Pribadong sasakyan na may gross vehicle weight na hindi susobra sa 4500 kilos, ang blood alcohol concentration (BAC) sa ABA na 0.05% o higit pa ay masasabing lasing na o driving under the influence of liquor (DUI).

2. Sa mga drayber ng truck, bus, motorsiklo at pampasaherong sasakyan, ang blood alcohol concentration (BAC)sa ABA na sumobra sa 0.0% ay masasabing lasing na o driving under the influence of liquor (DUI).
Newest
Previous
Next Post »