Involved in Vehicular Accident

Sasakyang Sangkot sa Aksidente, Na-impound ng Pulis

Maraming mga pulis ang nag-iimpound ng sasakyang sangkot sa aksidente regardless kung sinong drayber ang may kasalanan. Ito ay maling gawain. Ang mga sumusunod ang ginagawang dahilan ng pulis sa pag-impound ng sasakyan:

  1. Ang sasakyan ay "Involved in Vehicular Accident" na isang violation sa ilalim ng RA 4136 - Land Transportation Code;
  2. Ang sasakyan ay gagamiting ebidensya sa piskalya kaya dapat nasa kustodya ng pulisya o custodia legis. 
  3. Ang mga sasakyan ay nagamit sa krimen lalong lalo na kung may namatay sa aksidente.
  4. Para mag-areglo ang isang panig.

Una, walang violation sa RA 4136 na "Involved in Vehicular Accident" na nagbibigay kapangyarihan sa pulis na mag-impound ng sasakyan. Ang mayron ay "Reckless Driving" na isang impoundable offense.

Pangalawa, hindi ibig sabihin na naisampa sa piskalya ang kaso, ang sasakyan ay nasa custodia legis na. Nasa custodia legis lamang ang isang bagay kung may order ito galing sa korte. Hindi rin kailangan ma-impound ang sasakyan para gamiting ebidensya pagkat puwede naman ang larawan nito at iba pang ebidensyang nagpapakita ng aksidente.

Pangatlo, ang isang bagay ay puwede lamang kunin ng pulisya kung ito ay ginamit sa krimen "para ito ay kumpiskahin ng estado". Subalit, ang isang sasakyang sangkot sa aksidente ay hindi masasabing ginamit sa krimen base sa kaso ni Superlines v. PNCC, Officer Pedro Balubal, G.R. No. 169596, March 28, 2007, kaya hindi dapat kumpiskahin. Aniya, ang isang drayber na naka-aksidente ay hindi masasabing nagamit ang sasakyang sa paggawa ng krimen.

Pang-apat, walang karapatan i-impound ang sasakyan para gamiting leverage ng pulis o biktima para mag-areglo ang may-ari ng sasakyan. Walang karapatang makilahok ang pulis sa pag-areglo ng kaso.
Samakatuwid, dalawang dahilan lamang para legal na makuha (seize) o mai-impound ang sasakyan:

  • May paglabag na impoundable offense sa ilalim ng RA 4136. Subalit ang sasakyan ay dapat na i-turn over sa LTO.
  • Ang sasakyan ay ginamit sa krimen, halimbawa, pagnanakaw, pagbenta ng droga at iba pa.Sa mga may-ari ng sasakyan na na-impound ang sasakyan na wala sa dalawang nabangit, ang ginagawa ng abogado ay magsampa ng reklamo sa korte kontra sa pulis ng mga susumunod na kaso:
  • Replevin plus danyos- isang sibil na kaso para mabawi ang sasakyan at danyos sa tinamong pinsala sa walang legal na basehang pagkuha sa sasakyan;
  • Ignorance of the law at iba pang kaso.


Mapapansin na ang palaging nai-impound ay ang motorsiklo, tricycle at jeepney, subalit ang mga mamahaling at malalaking sasakyan ay hindi naman samantalang parehas lang naman ang batas.
Previous
Next Post »

2 comments

Click here for comments
vipcsn88
admin
June 16, 2019 at 12:45 AM ×

Situs Judi Online Dengan Permainan Terlengkap Yang Jarang Ditemui

Untuk Informasi Lebih Lanjut Silahkan Hubungi Kami Di :
Whatsapp : +6281358840484
Livechat : https://csnterbaik.com/
Instagram : 818csn

Reply
avatar
Hanna Rosin
admin
October 24, 2019 at 8:38 AM ×

HOW I GOT MY EX HUSBAND BACK WITH THE HELP OF REAL AND EFFECTIVE SPELL FROM DR Osasu My name is Olivia Jayden, I never thought I will smile again, My husband left me with two kids for one year, All effort to bring him back failed I thought I'm not going to see him again not until I met a lady called Jesse who told me about a spell caster called Dr. Osasu , She gave me his email address and mobile number and I contacted him and he assured me that within 48hours my husband will come back to me, In less than 48hours my husband came back started begging for forgiveness saying it is the devils work, so I'm still surprise till now about this miracle,i couldn't conceive but as soon as the spell was cast,i became pregnant and gave birth to my third child,if you need any assistance from him you can contact him via:email: drosasu25@gmail.com Or WhatsApp or call him now:
+2347064365391 . Dr.Osasu also cures: 1. HIV / AIDS 2. HERPES 1/2 3. CANCER 4. ALS (Lou Gehrig’s disease) 5. Hepatitis B

Reply
avatar