Plain View Policy

PANAWAGAN SA PANGULO at sa PNP.

Kasabay ng pansamantalang pagpapahinto sa Oplan Tokhang, dapat na ring Pag Isipan ng PNP at Ilahad sa Taong bayan ang layunin ng mga Nagkalat na Checkpoints ng PNP sa daan,
Kailangan natin ng mga Pulis na magbantay sa lansangan, pero nakakapagtaka na sa lahat ng Checkpoints na nadadananan ko,,, laging mga NAKAMOTOR ang pinag iinitan ng mga unipormadong pulis. Tanging mga MOTOR lang ang pinahihinto at hinahanapan ng mga dokumento at hindi ang mga naka 4 wheels o mas malalaking sasakyan.

Isang beses... halos kalahating oras kaming naghintay at tuluyan ng na late sa trabaho sa dami ng mga motor na pinahinto ng mga Pulis sa Overpass malapit sa Market Market Taguig. Ang problema... nung tanungin namin ang Pulis kung ano ang dahilan at may Checkpoint sa Lugar, ang isasagot lang ay RANDOM checkpoints daw at walang MISSION ORDER.

Pero sa lahat ng mga Checkpoints, kapansin pansin na ang hangad ng mga autoridad ay hindi naman makahuli ng mga Kriminal kundi ang makapang huli ng mga Traffic Violators, may mga Expired na Lisensya o hindi nakadamit ng Tama at makapag ISSUE ng Tickets kung saan 30 percent daw ang napupunta sa mga Pulis.

Ang tanong... paano kung NAKA KOTSE ka at expired din ang iyong lisensya at naka tsinelas ka pa... huhulihin ka rin ba?

Bakit pinatutupad ang PLAIN VIEW POLICY sa mga sasakyang apat ang gulong pero hindi ginagawa sa mga naka motor?

Hindi tayo against sa Checkpoints at MARAMING PULIS na kakilala natin ang GUMAGAWA pa rin ng Tama... pero may mga KARAPATAN ang mga Motorista na tila NALALABAG na sa mga Checkpoints. Kung tutuusin... MAY KARAPATAN ang mga NAKAMOTOR na HINDI magpakita ng mga DOKUMENTO kung wala namang NILALABAG na Traffic Violation ang Driver ng motor pero napipilitang sumunod ang motorista para huwag ng magka aberya.

Minsan ng ipinatigil ng Pangulo ang patuloy na paglalagay ng Checkpoints sa daan dahil isa ring Rider si Tatay DIGONG at kabisado nya ang kalakaran sa lansangan.

Sa mga kaibigan nating Pulis... hindi tayo AGAINST sa Checkpoints ng mga Pulis... PERO sana MALINAW ang mga Dahilan kung bakit kailangan itong gawin AT DAPAT GINAGAWA ITO PARA SA LAHAT NG KLASE NG MGA SASAKYAN at HINDI SA MGA NAKAMOTOR LANG. Dapat PINAIIRAL ang PLAIN VIEW POLICY hindi lang sa mga 4 WHEELS kundi ganun din sa aming naka TWO WHEELS.

Panghuli... napakarami na tayong naririnig na REKLAMO tungkol sa mga Maling Gawain ng ilang Pulis sa mga Checkpoints... at MAIIWASAN lang ito kung LILINAWIN at magiging LEHITIMO ang mga ito at kung ano ang mga PATAKARAN sa PAGSITA sa LAHAT ng KLASE ng mga SASAKYAN at hindi sa mga naka MOTOR lang.

Kay General BATO Dela Rosa... Sana makapagbigay na ng MALINAW na DIREKTIBA sa mga umiiral na Checkpoints at PAIRALIN ito ng HINDI NALALABAG ang mga KARAPATAN ng mga MOTORISTA lalo na yung mga naka Motorsiklo. PAIRALIN ng PANTAY ang PAGSASAGAWA ng mga PAGSITA sa LAHAT NG KLASE ng SASAKYAN at hindi sa mga RIDERS o NAKA MOTOR lang.

Sabi nga ng isang kaibigan... HINDI LAHAT NG PULIS MASAMA... ganun ding HINDI LAHAT NG NAKAMOTOR KRIMINAL.

-Like and Share, Thanks


Previous
Next Post »